Bakit ba kasi hindi na lang pwedeng walang mangyari? Bakit hindi mo kaya? Kayanin mo naman para sa’kin oh… Nanghihina na kasi ako. Since Friday may problema na tayo. Sabi mo kalimutan na natin. Oo, pareho na tayong nagmumove on dun pero eto na naman may bago. Hindi pa tayo nakarecover dun sa isa, meron na naman kaagad. Plano ba talaga na pagsunud-sunurin ang trials satin para sa bawat trial na kakaharapin ay mas mahina tayo? Tama naman na oh.. Ang gusto ko lang naman magmahal at mahalin.. Ang mahalin ka at mahalin mo rin. Hindi ba pwedeng maghintay tayo ng tamang panahon para dun? Mahirap sakin at alam ko sayo rin tong mga nangyayari recently. Hindi rin ako mabibigla kung sakaling ma used up tayong pareho at tuluyan ng bumitaw pero, I love you. I’ll always love you kahit na ano pa mang kahantungan nito hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo. Yung relasyon, posibleng maiba pero ang nararamdaman ko, hindi.
.Kung sakali mang hindi na maganda ang maging resulta nito, titigil ako. Susuko ako. Kung sakaling ako pa rin ang mahal mo at hahanapin mo pagkagising mo,
Find me.
-
broomgilas likes this
-
arzyne17 posted this